Wednesday, September 1, 2010

Kaugnayan ng Kapaligiran sa Feng Shui

Sa loob ng napakahabang panahon, ang mga Intsik na malaki ang impluwensia ng kapaligiran sa buhay ng tao. Bukod sa paghahanapbuhay at pagsisikap sa buhay, mahalaga ang papel na ginagampanan ng kalikasan sa ikaangat ng kabuhayan. Sa ganitong paniniwala, malaki ang papel na ginagampanan ng mga natural na elemento na matatagpuan sa daigdig. Ito ang tubig, araw at hangin. Dito umiinog ang kanilang paniniwala sa Feng Shui na ang ibig sabihin ay "wind and water" o "hangin at tubig". Maraming pwedeng itawag sa Feng Shui. May pagkakataon na ito ay itinuturing na "art placement." Minsan naman, ito ay tinataguriang "good common sense of arrangement." Ang mga Intsik, maging ang mga tao sa ibang bansa sa Asia tulad ng Singapore, Taiwan at Korea ay lubos na naniniwala sa milagrosong dulot ng Feng Shui. Sa America, Europa at maging dito sa Pilipinas ay marami na rina ng naniniwala sa Feng Shui. Ang Feng Shui ay tumutulong sa ikauunlad ng tao sa pamamagitan ng pagsunod sa imple at praktikal na paraan ng pag-unawa sa kapaligiran. Ito ay umiinog sa paniniwala na ang kapaligiran ay may cosmic breath o enerhiya na kung tawagin ay Chi.
Ang Chi ay di nakikita at di nahahawakan, subalit malaki ang epekto sa kabuhayan at kalusugan ng tao. Ang Chi ay maaring maging mabuti at kapaki-pakinabang, ngunit maaari rin namang makaperhuwisyo sa tao. Simple lang na nagmamasid kung ang Chi na namamayani sa isang lugar ay mabuti o masama.
Ang mabuting Chi ay nakakatulong upang umangat ang kabuhayan ng isang tao, samantalang ang bad Chi ay nagpapahirap at nagpapalubog sa kabuhayan ng isang nilalang. Tumingin ka sa paligid, damahin ang lugar at ayon sa iyong makikita, malalaman mo kung ang Chi na naroon ay mabuti o masama.
            Ang lugar na nagtataglay ng "good Chi" ay nakapagpapagaan ng pakiramdam, nakapagpapasaya at nakapagpapakalma ng kalooban at utak. Ang mga tao ay lagi ring masaya at nakangiti. Ang "bad Chi" ay nakapagpapabigat ng pakiramdam, nagdudulot ng sakit at nagpapainit ng ulo ng mga tao.
             Iba-iba ang enerhiya sa bawat lugar. Ang mga magkakontrang katangian ay nag-uunahan sa espasyo pra roon sila manatili. Pero mahalagang manaing ang "good Chi" para maging kapakipakinabang ang epekto sa mga nakatira sa isang lugar.
             May tinatawag na Yang at Yin energy. Kumbaga sa araw, ito ang dilim at liwanag. Ang "Yang" ang liwanag at ang "Yin" ang dilim. Positibo ang epekto ng "Yang" sa isang kapaligiran. Ito ay maaring magmula sa sikat ng araw, sa banayad na simoy ng hangin, kaaya-ayang tunog o "di kaya ay malamig na kulay na nakikita ng mata. Samantalang ang "Yin" ay may hatid na kadiliman, ginaw, ingay at makabasag eardrum na tunog at masakit sa mata na mga kulay.
             Ang "Yin" ay matatagpuan sa mga sirang gamit, bitak na semento at bakanteng espasyo  at naghahanap ng mamasa-masang o malamig na lugar na maaring tigilan. Sa loob naan ng bahay, ito ay naiipon sa mga aparador, kabinet at kahon. Sa ganitong mga lugar, ang "Chi" ay di makalabas nang malaya o 'di kaya naman ay naiimbak kaya ito ay nakasasagabal sa ikauunlad ng maybahay.
             Ang "Yang" ay matatagpuan sa maaliwalas, malamig, maliwanag at komportableng lugar. Samantalang ang "Yin" ay matatagpuan sa mainit, madilim, magulo at masikip na lugar. Ikumpara nyo ang inyong pakiramdam kung namimili  sa mga tindahan sa Divisoria na madilim, mainit at masakit sa mata ang singaw at amoy ng mga tela at pakiramdam kung namimili kayo sa mga mall kung saan malamig, mabango, kakaunti ang tao, maliwanag at komportable.
             Ang mga mall ay nagtataglay ng "Yang energy", samantalang ang mga stall sa Divisoria, Quiapo at Baclaran bagapat di lahat ay nagtataglay ng Yin energy, kaya tuloy pag-uwi nyo ng bahay parang pagod na pagod kayo at malas ay mainit ang ulo. Ang dahilan ay na-absorb nyo ang Yin energy sa lugar na pinaggalingan nyo.
            Ang Chi ay kumakapit sa dumidikit. Maari itong matagpuan sa inyong lugar sa pamamagitan ng alikabok, sapot ng gagamba, agiw, amag, usok at iba pa.
            Sana ay makatulong sa inyo ang ilang mga gabay na ating ibinahagi ngayong araw sa pagpapalago ng kabuhayan at negosyo. Patuloy na sumubaybay sa ating
----------------FENG SHUI NI BRO. MHON (Sept. 1, 2010)

1 comment:

  1. pwd po bang malaman kung saan makkahanap o makkakitang batong hiyas ??

    ReplyDelete